Monday, 2 November 2015

By Group 5




  Kung titignan ang mundo ilang libong taon na ang nakalipas, sadyang napakaraming pagbabago. Mula sa itsura ng mga tao, sa paghahanapbuhay, sa paggawa ng mga kagamitan o materyales, mapapansin ang napakalaking transpormasyon. Hindi maitatanggi na kung wala ang mga sinaunang tao, ay wala tayong pag unlad ngayon. Ngunit pano nga ba natin maipapakita na pinahahalagahan natin ang kanilang mga nainambag sa ating mundo?
Isa sa mga paraan upang mapakita sakanila na pinahahalagahan natin ang kanilang kontribusyon ay sa pamamagitan ng museo. Sa museo kadalasang inilalagay ang mga sinauanang bagay, upang mapreserba ito at maipakita sa ibang tao. Katulad ng Museo De La Salle, ipinapakita doon ang iba't ibang kagamitan sa bahay noong unang panahon.
"ZAGUAN"
Ang Museo De La Salle ay magandang halimbawa ng bahay na bato tulad ng Constantino House sa Balagtas at marami pang iba. Sa pagpunta namin doon, nakilala namin si Ate Je Anne na siyang naging tour guide namin sa museo at sinabi niya na ang Museo de La Salle ay nagpapakita ng kaayusan sa lipunan, kayamanan at mga sariling disenyo.  Ang mga disenyo nito at nanggaling sa bahay na bato noong 19 centuries. Ito ay 15 na taong gulang pa lamang, ngunit ang mga artifacts na nakalagay dito ay nasa 70 na taong gulang na.


"CAIDA"
"COCINA"












































Una naming pinuntahan ang Caida. Ito ay nagsimula sa salitang caer na ang ibig sabihin ay “to drop” or “to let fall”. Dito nagaganap ang mga maliliit na pagtitipon o tinatawag ring entertainment room. Kapansin-pansin ang kisame nito na “pressed metal sheets” kung tawagin. Sunod naming pinuntahan ang opisina ng Don, ito ay tinatawag na Despatcho. Makikita doon ang mag importanteng gamit ng Don kaya’t hindi pwedeng pumasok ang kung sino man dito, nang walang pahintulot. Matutunghayan rin dito ang tambayan ng mag lalaki o maaari ring music room, na Alcove kung tawagin. Isa sa pinakamalaking parte ng bahay ay ang Sala Mayor. Dito matatagpuan ang mga malalaking pagtitipon. Ito rin ay lugar sa “tertulias”. Maraming sayawan at pagtugtog ng mga instrumento ang nagaganap dito. Sa gawing kanan nito, mapapansin ang malaking piano. Ito raw ay sumisimbolo sa pagiging mayaman ng isang pamilya o angkan. Makikita rin ang iba’t-bang klase ng chair formation tulad ng S-chair seat formation, Mariposa Chair at marami pang iba.
Sunod naming pinuntahan ang Comedor na nagsisilbing kainan ng pamilya. Makikita rin ang tinatawag na punkan na hinihila ng mag maids upang tawagin ang bawat kasapin ng angkan. Syempre, hindi mawawala ang Cocina”. Ito ang lugar kung saan nagluluto, naghahanda, nagpaplantsa at iba pa. Ang kisame nito ay gawa sa sawali habang ang sahig naman ay gawa sa bamboo. Dito na rin natutulog ang mag maids. Sa Banggerahan naman naghuhugas ng mga kinainan, samantalang sa Azotea naman ang lugar kung saan naglalaba. Dito rin nagligawan si Crisistomo at Clara. “Batalan” naman ang tawag sa banyo. Tuwing maliligo ang senyorita, siya ang laging may bantay sa loob at labas. Sa lahat ng parte ng bahay, pinakasimple ang Hardin. Sa paligid nito, mapapansin ang mga boteng nakatanim, ang mga ito ay tinatawag na wine. Noong panahon nila, ang pagkakaroon ng wine ay sumisimbolo  sa kayamanan ng isang tao. Para naman sa huli naming pinuntahan, ito ay tinatawag na Zagwan. Dito matatagpuan ang mag nakatagong gamit tulad ng farming tools at marami pang iba. Kung mapapansin, ang mga santo rito ay walang ulo’t kamay sapagkat ang mga ito ay gawa sa ivory kaya't itinatago. Urna naman ang tawag sa lalagyan ng Santo. Ang nilalakadan naman sa buong bahay ay tinatawag naBolado”. Sa huli, lahat ay natuwa at nasiyahan sa pag-ikot sa buong museo.

Sa kabuuan, kapansin-pansin ang kalinisan at kagandahan ng bawat lugar at artifact na makikita roon. Ikinatutuwa ko ring makita ang mag magagandang kisame na talagang prinepreserba pa upang makita ng mga taong dumadalaw sa museo. Ang pagiging organisado rin ng mga artifacts ay nakatutulong upang mabigyang pansin ang bawat isa. 

Maaari pa nilang mas mapaganda ang museo kung ipagpapatuloy pa nila ang paglilinis, pagpapaganda at pagprepreserba rito dahil makatutulong ito upang malaman ng lahat ang mga naiambag ng mga tao noon. Ito rin ay makapagbibigay ng mag bagong impormasyon o kaalaman sa mga taong dumadalaw rito, lalo na sa mga estudyanteng tulad kong nag-aasam na makakita ng mag bagay na hindi basta bastang masisilayan sa kung saan saan. Ang magandang interaksyon, pagtulong sa local economy, paghanap ng interes, pag-ambag sa mga research programs sa isang bansa at marami pang iba ay ilan sa mga kahalagahan ng mga museo sa ating bansa na makatutulong sa pag-unlad ng bawat mamamayan.